Friday 25 October 2013

Panginoon, simula pa noon

Wala ka na bang magawa?
Sa buhay mo'y nagsasawa?
Makipag-usap ka naman,
kung hindi ngayon, kailan?


Kay Lord nama'y magdasal,
ang nag iisang banal.
Sya'y tiyak mong mararamdaman
Kahit kelan o saan pa man.


Ika'y gusto Nyang makausap,
tanggalin muna ang iyong cap.
Ituon ang pansin sa Kanya.
Sa'yo ay Sya ang nagpalaya.


Di kailangan kabisado,
buksan ang 'yong pusong sarado.
Sya'y tumitingin sa puso
hindi sating mga nguso.


Alam Nya ang iyong damdamin,
kaya Nya ikaw intindihin.
Magsorry at magsisi ng ng may pag ibig.
Sya, sayo ay laging andyan, makikinig.


Siya ang ating Panginoon,
wag naman puro penge noon.
Ikaw ay magpasalamat din,
sa lahat lahat at pagkain.


Karapat dapat papurihan
at walang halong kabalbalan.
Sya ang ating tanging Panginoon,
mahal ka Nya simula pa noon.



(Source: Jewel Vidallon)