Thursday 12 September 2013

Ferblalu~

Ferb! Yow! Oy!
Happy birthday boy!
13 years ka ng pogi, pagbigyan!
Minsan lang yan.
Tanda mo na tol!
Tama na ang katol! :P

Akala ko'y Tolentino,
pala ay Geronimo.
Nung una'y walang kibo,
wala 'ni pag ubo.
Pala'y mas maingay pa sa party,
magulo pa kaysa sa rally.

Pag ika'y kasama, kalokohan di mawawala,
pero tiyak namang matutuwa! :D
Sa pang-aasar, professional!
pero di ganong brutal.

Yang pagiging snob,
di na tumatalab.
Pangongotong sa ulo'y hilig,
ayan tuloy, ako'y natulig! XD

Yan ay painosente
saksakan ng galante!
Zagu, Jollibee at Taho,
lahat libre mula sayo. (Thanks!)

Naging crush pala ako,
sabi pa nga ay chix daw.
Pala'y lalaki din, di talo
pogi din parang ikaw! :D

Tanda mo nung last day sa STCAA,
inupuan mo ako sa mukha,
ang bigat mo pa nga
ayy! di mo nga tanda, tulog ka pala! :P

Mapachat man o text araw-araw
ang kakulitan ay ikaw.
Mga chix mo'y kilala ko, kadaldalan
mo ang tanging dahilan.
Kadaldalan ko, sayo'y lumala,
andami ko tuloy nakilala.

Nalait mo na din pati ang drawing ko,
lumabas tuloy ang hidden talent ko! :P

Sadya talagang baliw,
pero member ng saliw.
Sa dance floor ay mabangis,
minsan din ay bungisngis! XD

Tunay namang matalino,
ayaw lang magpakatino.
Mautak pa sa Math,
ginagamit pati heart! XD

Kahit minsan parang timang,
at laging si "Joke lang!"
Di nililimot ang mabuting asal,
lagi paring nagdadasal.

Tuluyan na 'kong nahawa
sumulat, di dahil sa awa.
At dahil sa espesyal nga,
ako'y napakatha, nganga! :D

Pag aaral ay tutukan,
wag makikipagsuntukan!

Huwag kang makakalimot!
Kung ayaw ng sabunot! :P

Happy birthday ulet boy!
Ikaw ay mag enjoy!

Take care!
I miss you!
I love you!
GOD BLESS YOU!
JESUS LOVES YOU!

No comments:

Post a Comment